Search This Blog

Monday, August 22, 2022

TAPAT SA MGA PANGAKO

O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.

Mga Awit 138:8

______________

PANGAKO MO'Y TINUTUPAD. Ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako. Lahat at walang isa man ay magmimintis. Ang Biblia ay naglalaman ng mga kautusan ng Diyos na kadalasa'y may kaakibat na pangako. Ito ang ipinapahayag ng karanasan ng mang aawit. Ang pagtupad Niya sa Kanyang mga pangako ay patuluyan at hindi kailanman magbabago.

PAG-IBIG MO'Y DI KUKUPAS. Ang Diyos ay pag ibig. Lagi Niya tayong mahal. Una Niya tayong minahal. Wala tayong pwedeng gawin para di Niya tayo mahalin. Mahal ka Niya noon, ngayon at magpakailanman. At maging ang pagtupad Niya sa pangako, ang dahilan ay ang Kanyang pag-ibig. Sa pagmamahal ng Diyos, ibinigay Niya ang Kanyang Anak. Sa pagmamahal ng Anak, ibinigay Niya ang Kanyang buhay sa krus ng Kalbaryo.

SINIMULANG GAWAIN MO'Y MAGAGANAP. Ang Diyos ay gumagawa sa buhay natin sa bawat sandali.  Mula nang tayo ay ipaglihi hanggang sa ating araw nf kamatayan, Siya ay kumikilos sa ikabubuti ng lahat ng nagmamahal sa Kanya. At mula nang tayo ay Kanyang tawagin, patuloy Siyang gumagawa ng mga kamangha-mangha sa atin hanggang sa lubos at ganap na kalagayan ng ating mga buhay.



Purihin ang Diyos sa Kanyang mga pangako! Pangako ng Diyos na tapat, matuwid at mangingibig! 


Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalam...