Efeso 1:3-4
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.
Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos,
____________________
PINAGKALOOBAN TAYO NG PAGPALANG ESPIRITUWAL. Ang sulat ni Pablo sa mga Cristiano sa Efeso ay isang pormal at personal na sulat sa iglesiang dalawang ulit niyang dinalhan ng Magandang Balita; sa ikalawa at ikatlong pagmimisyon niya. Karamihan sa mga mananampalataya dito ay mga converted Gentiles kung kaya sa unang tatlong chapter ay binigyang-diin niya ang pagtuturo tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos sa sanlibutan na naganap sa pagparito ng Panginoong Jesus.
Sinimulan niya ang sulat sa pagsasabing "Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal... dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo." Ang mga kaloob na ito ay mula sa kagandahang-loob ng Diyos. Hindi tayo karapat-dapat subalit ibinigay Niya sa lahat ng mga mananampalataya Niya. Hindi tayo makakasapat ngunit ibinigay pa rin Niya sa atin ang mga kaloob na ngayon ay nagagamit natin sa paglilingkod sa Diyos,
Pastor Jhun Lopez
No comments:
Post a Comment