Search This Blog

Saturday, September 30, 2023

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat”

Colosas 3:15

 

Gawin Mo akong kapayapaan

Sa aking mundong ginagalawan

Sa bawat taong nakakasalamuha

Madama nila ang kapanatagan

 

Gawin Mo akong  kapayapaan

Sa aking kapwang naguguluhan

Sa bawat lugar na aking patunguhan

Maibahagi ko ang ‘yong pagmamahal.

 

Gawin Mo akong kapayapaan

Sa nalulumbay ako’y gawing kagalakan

Sa anumang maging karanasan

Pagpapala Mo sa aki’y manahan.

 

Gawin Mo akong kapayapaan

Sa nagdurusa’y maging karamay

Sa buhay na sa aki’y Iyong ibinigay

Kapayapaan Mo Jesus, ang maisabuhay.


PastorJLo

 

 

Featured Post

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalam...