Search This Blog

Monday, March 28, 2022

DIYOS NA HARI

Hebreo 1:8-9

Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.

Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang natatangi.”

____________________

SI JESUS AY DIYOS. Ang sulat sa mga Hebreo ay nagsimula sa pagsasabing, "nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon ... Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak" (1:1-2). Ang Diyos ang Siyang nagsasalita. Siya ang nagpahayag para sa Anak,  "Ang iyong trono, O Diyos." Siya na Diyos ay tumawag na Diyos sa Anak, ang Panginoong Jesus. At ito ang ating pinaniniwalaan, ang Panginoong Jesus ay Diyos!


 


SI JESUS AY HARI. Ang hari ang pinakamakapangyarihan sa isang kaharian. Nasa kanyang mga kamay ang pamamahala. Kung masama ang hari, panganib ang hatid sa kanyang nasasakupan. Subalit kung ang hari ay matuwid, pagpapala sa bayan ang makakamtan. Ang Panginoong Jesus ay haring makatarungan. Makatitiyak tayong hindi Siya gagawa ng anumang ikasasama ng Kanyang bayan. Gayunpaman, ang masama ay tiyak Niyang kinamumuhian.

Si Jesus ay Diyos! Ang Kanyang paghahari ay magpakailanman!
Si Jesus ay Hari! Ang Kanyang paghahari ay makatarungan!
Panatilihin natin ang pagpapasakop sa Panginoong Jesus!

 Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...