“Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.”
Filipos 3:13-14
NILILIMOT ANG NAKARAAN. Ang buhay ni Apostol Pablo ay makulay. Maraming tagumpay at marami ding pagsasakripisyong di naranasan ng marami sa atin. Ang susi upang maabot ang hangarin, una sa lahat, ay ang paglimot sa nakaraan; maganda man o pangit ang naganap. Ang tagumpay ng bawat panahon ay hindi sa paulit-ulit na pagbalik sa naganap na. Alam nating ang nakaraan ay tapos na at wala nang pagkakataong maibalik pa. Hindi ito dapat makasagabal sa pag-unlad ng buhay sa kasalukuyan.
SINISIKAP MARATING ANG LAYUNIN. Kasabay ng paglimot sa nakaraan, mahalaga ang pagsisikap na makarating sa patutunguhan. Anumang ganda ng isang layunin, kung wala namang masikap na pagkilos upang ito ay marating, ang layunin ay mananatiling “drawing” lamang. Ang pagsisikap ay pagkilos na may pagpipilit sa sarili kahit tila ayaw gawin ang isang bagay. Hindi iniinda ang pagod o ang hirap na sinusuong at pilit na inihahakbang ang mga paa patungo sa lugar na pupuntahan.

NAGPUPUNYAGI PATUNGO SA HANGGANAN. Sa ingles, “I press on toward the goal.” Ito ay pagtakbo na ang tanging iniisip ay ang “finish line.” Ito ay pagpapatuloy sa takbuhin kahit na anong hadlang ang masalubong sa daraanan. Hindi nadadala ng mga bagay na umaagaw o pumipigil sa pagtakbo. Para kay Apostol Pablo, na noon ay nakabilanggo, ang anumang sitwasyon ay hindi dahilan upang hindi niya marating ang hangganan ng takbuhin. Sa halip, ang mga ito ay nagsisilbing tuntungan upang mas mablis niyang marating ang nilalayon.
MAKAKAMTAN ANG GANTIMPALA. Ang paglimot sa nakaraan, pagsisikap sa kasalukuyan at pagpupunyagi sa hangganan ay marapat na ipamuhay upang makamtan natin ang layunin ng pagkatawag sa atin ng Diyos. Masaganang buhay ang sumaating lahat!
Pastor Jhun Lopez
_______________________________
Nakaraang blog: KUNTENTONG BUHAY
No comments:
Post a Comment