Search This Blog

Thursday, December 20, 2018

MATUWID NA PAMUMUHAY NG PAMILYANG CRISTIANO

Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso.
Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito
sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay,
sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon
sa umaga. ::Deut. 6:6-7

ITANIM SA PUSO. Ang pamilyang namumuhay sa katuwiran ng Diyos ay pamilyang may malalim na pag-ugnay sa Salita ng Diyos. Mahirap maging matuwid ayon sa pamantayan ng Diyos kung ang utos Niya ay hindi naman nalalaman o nauunawaan. Gayundin, magiging imposibleng makasunod sa utos ng Diyos ang isang tao kung ang Biblia nama naman ay hindi niya binabasa. Sapagkat habang nagbibigay ng panahon ang isang tao sa pagbubulaybulay ng Banal na Kasulatan, ang kanyang pagkakilala sa Diyos ay nagiging malalim at ang Kanyang mga utos ay higit na naitatanim sa puso’t isipan.

ITURO SA MGA ANAK. Pananagutan ng isang mananampalatayang magulang ang ituro ang mga utos ng Diyos sa kanyang mga anak. Bilang Cristiano, hindi ang paaralan, hindi ang simbahan ang may pangunahing tagapagturo ng mga anak. Ito ay dakilang pagkakataong ibinigay ng Diyos sa mga magulang na siyang nag-anak sa mundong ito. Kaya nga, ang paglaki ng mga anak ay nakasalalay, una sa kapangyarihan ng Diyos, at sa pribilehiyong nasa mga kamay nina Tatay at Nanay. Bilang mga kaanib ng Iglesiang ito, ating simulan sa mga anak ang malapit na pakikipag-ugnay sa Diyos sa pamamagitan ng sama-samang pagtitpon ng pamilya sa pananalangin at pagsamba.

SA UMAGA AT GABI. Ang Salita ng Diyos ay para sa lahat ng panahon. Marahil ay naging kasanayan ang pagsasabing “mag-devotion sa umaga.” Subalit sa bilis ng panahon natin ngayon, ang oras na naiiba na. Ang tiyakin lamang natin, ang regular na pagsamba ng pamilya sa tahanan at ang pagdalo ng mga magulang at mga anak sa sama-samang pagsamba ng mga kapatiran.

Sikapin nating maging matuwid ang pamumuhay ng kani-kaniyang pamilya. Gawing pangunahin ang pagsunod sa dakilang utos ng Diyos!

Pastor Jhun Lopez


_______________________________

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...