Search This Blog

Sunday, June 17, 2018

BIYAYA NIYA'Y BILANGIN


Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,
    at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.
Awit 103:2



SI YAHWEH AY PAPURIHAN. Ang papuri sa Diyos ay pagpaparangal, pagluwalhati, pasasalamat, paggalang at pagkilala sa  Kanyang galling, kataasan at kapangyarihan. Sinasabihan ng mang-aawit ang sariling kaluluwa na mag-alay ng papuri sa Diyos. Ang papuri ay hindi idinidikta ng Diyos na gawin natin. Bagkus, ito ay pagkilos ng sariling puso, isip at kaluluwa. Ang papuri ay bunga ng ating pamamangha sa pagkilos ng Diyos sa ating mga buhay.

HUWAG MONG KALILIGTAAN. Ang papuri sa Diyos ay higit na naihahandog kung batid natin kung paanong gumawaga ang Diyos sa ating buhay. Ang biyaya Niya ay sapat. Maraming pagkakataong ito’y “siksik, liglig at umaapaw.” Sagana ang Kanyang mabubuting gawa sa ating mga buhay. Mga dahilan upang lalo nating papurihan ang Diyos. Ang paalaala lang, “huwag mong kaliligtaan.” Marami tayong giyagis sa buhay, subalit higit ang mga pagpapalang ating tinatanggap. Huwag bilangin ang mga giyagis. Ibaling ang pagtingin sa mga mabubuting gawa, mga pagpapala’t mga biyaya ng Diyos sa atin. Sa madaling salita, sa ating patuluyang pagpupuri sa Diyos, “biyaya Niya’y bilangin.”

BIYAYA! Ang mabuting gawa ng Diyos sa atin ay napakalaking biyaya. Ito ay ibinibigay Niya kahit hindi naman tayo karapat-dapat sa mga pagpapalang ito. Napakabui ng Diyos sa atin sukat pagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na Anak—ang Panginoong Jesu-Cristo—ang pinakadakilang biyaya na ating natanggap. Sa Panginoong Jesus pa lamang, lubus-lubos na biyaya na ang ating nabilang!

Pastor Jhun Lopez



_____________________________
Nakaraang blog, ALELUYA PA RIN



No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...