Search This Blog

Tuesday, June 6, 2017

BUHAY NA NAKATALAGA

HINDI NAKALILIMOT SA DIYOS. Ito ang madalas na katuwiran ng mga mananampalatayang bihira mo nang makikita sa gawain ng Iglesia—kasama na ang Linggong pananambahan. “Hindi naman ako nakalilimot sa Panginoon.” Subalit ang malaking katanungan ay ang katotohanang sila ay hindi nagpatuloy sa paglilingkod matapos ang ilang panahon ng kanilang pagtatalaga ng buhay sa Panginoon. Hindi nga ba nakalimot? O ang pagtatalagang minsang isinagawa ay natigil at nakalimot?
BUHAY NA NAKATALAGA. Ang lalaking nakatalaga sa kanyang asawa ay mananatiling nagmamahal anumang dumating sa kanilang pagsasama. Ang mag-aaral na nakatalaga sa kanyang pag-aaral ay magtatapat sa magulang at paaralan hanggang sa kanyang pagtatapos. Ang empleyadong nakatalaga sa kanyang kompanya ay masipag na gagawa at walang pandaraya. Paano nakatalaga ang mananampatalayang Cristiano? Ang pagiging Cristiano ay hindi lamang pagpasok sa relihiyon. Ito ay isang buhay na nakatalaga sa Panginoon. Na kahit na anong mangyari, sa lahat ng panahon, ang pagsunod at paglilingkod sa Diyos ay hindi nahahadlangan—ang Diyos ang UNA sa kanyang buhay.
PAGTATALAGA. Naniniwala akong ang isang iglesia patuloy na lalago, lalakas, at titibay kung ang bawat kaanib ay magsisimulang magtalaga ng buhay sa Diyos. Ang panahon, talento, karunungan, kalakasan, at maging kayamanan ay nakalataga sa ikaluluwalhati ng Panginoon tungo sa paglaganap ng Kanyang Mabuting Balita. 



*Ang blog na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. 
para sa Sangandaan IEMELIF Church noong Hulyo 2006

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...