ANG MAYAMANG HANGAL. Ito ang wika ng mayamang hangal, “Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!” Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay” (Lucas 12: 19-20). Maraming tao ang nasa ganitong pag-iisip. Ang yamang natatamo ay inilalaan lamang para sa kasiyahan ng sarili. Ang mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos ay naitutuon sa mga bagay na walang kabuluhan sa harapan ng Panginoon. Ang tawag sa kanila ng Diyos ay “hangal.”
MABUTING PAGKAKATIWALA. Naniniwala tayo bilang mga Cristiano na ang lahat ng ating tinatamasa sa mundong ito ay kaloob at ipinagkatiwala lamang ng Diyos sa atin. Sa ganitong diwa, ang pagiging mabuting katiwala ay isang Cristianong pag-uugali na nararapat lamang nating gampanan.
ANG CRISTIANONG KATIWALA. Katapatan. Ang katangiang ito ay isa sa mga pangunahing kailangan ng isang katiwala. Mahirap pagkatiwalaan ang taong sinungaling at nagtatago sa likod ng isang maskara. Una’y tapat sa Diyos… sa mga pagdalo sa gawain, sa pagkakaoob ng ikapu… sa pananalangin at pagbabasa ng Biblia. Ikalawa’y tapat sa tao… para sa akin, isang malaking pagkukunwari ang pagpupuri’t pagsamba ng isang tao kung ito naman ay hindi makakitaan ng tamang pakikipag-ugnay sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang Cristianong katiwala ay tapat.
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church noong Nobyembre 2006
No comments:
Post a Comment