Isang araw, may isang “matatag” na Cristiano. Gusto siyang pabagsakin ng kaaway. Pinadalhan siya ng sakit. Siya’y nagpatuloy! Inagaw ang mga ari-arian niya. Lalo siyang lumapit sa Diyos! Namatay ang mga mahal niya sa buhay. Hindi siya pinanghinaan ng loob!
Hanggang sa siya ay bulungan ng diablo, “Hindi ka ba napapagod? Wala namang nangyayari sa mga ginagawa mo.” Napabuntunghininga si “matatag”. Siya’y umuwi ng bahay, pagod at nanlulumo. At sinabi, “Magpapahinga muna ako sa paglilingkod sa Diyos.”
Vitamin E = Encouragement. Maraming Cristiano ang matatag na tumatayo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Kahit tayo’y umuuwing “bugbog-sarado”, muli tayong babangon at magpapatuloy sa paglilingkod. Ito’y hangga’t may nagbibigay sa atin ng encouragement. Ang magpapabagsak sa atin ay mga pananalitang nakapanghihina o discouragement.
Maaari tayong magbigay kalakasan sa simpleng pagngiti, pakikipagkamay, at pagtapik sa balikat. Ang mga salitang “kumusta” at “salamat” ay nakagagaling sa isang pusong nalulumbay. Lalo na ang aktuwal na pagtulong at pagdamay sa kapatirang nasa panahon ng kapighatian. Kailangan natin ng kalakasan. Kailangan natin ng Vitamin E. Hanapin ito sa kapatiran. At higit dito, nasain mong maging encouragement ka sa iba.
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church
Read the previous Bitamina Cristiano blogs!
Vitamin A-ffliction
Vitamin B-ible
Vitamin C-onfession
Vitamin D-eity
No comments:
Post a Comment