Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
Juan 13:34-35
Pag-ibig ang susi ng lahat…kasama dito ang pagpapanatili ng mga tao sa loob ng kapilya! Ang bawat ay tao naghahanap ng pag-ibig; magulang, anak, asawa, kaibigan, at maging kapitbahay. Ito ang malaking batayan kung mananatili ang isang tao sa pakikipagrelasyon o hindi na. Kung ang pag-ibig ay wala sa ugnayan, hindi man humantong sa hiwalayan tiyak na magiging malamig ang pagsasamahan.
Paano mapapanatili ang tao sa kapilya? Ang katotohanang ito ay totoong-totoo sa loob ng kapilya. Pagmamahal ang hanap ng kapatiran; luma man o bagong kaanib ito. Isang ugnayang magdidikta sa kanilang manatili sa iglesia nang dahil sa pag-ibig. Dahil dito, dalangin kong kasabay ng paghahanap natin ng pagmamahal, higit na nasain ng bawat isa sa atin ang maging daluyan ng pagmamahal. At ang mga tao sa kapilya ay mananatili!
Mahal ko kayo sa Panginoon!
**Ang blog post na ito
ay hango sa Pastoral Letter
ni Rev. Oscar P. Lopez Jr.
sa Sangandaan IEMELIF Church
IN CASE YOU MISSED IT: (Click the title)
Bitamina Cristiano
No comments:
Post a Comment