"The Scriptures were not given to increase our knowledge but to change our lives."
- D. L. Moody
Ang buhay na matagumpay ay nakasalalay sa Banal na Kasulatan. Kung paanong nagiging bahagi ang Biblia sa buhay ng isang tao ay siya ring magiging bunga sa uri ng pamumuhay nito.
Vitamin B = Bible. Walang pasubali na ang Biblia ay pagkain ng ating espiritu. Sa isang Cristiano, ang Salita “ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (2Tim 3:16). Ang Biblia ay kalakasan sa mga nanlulupaypay…kaaliwan sa mga nalulumbay…pag-asa sa mga nag-uumayaw. Gayon din, ang Biblia ay pamalo sa mga pasaway! Isang tabak na dalawa ang talim na sumusugat maging sa pinakatagong bahagi ng ating buhay. Hindi upang tayo ay parusahan lamang. Bagkus, ang sugat na dulot Nito ay bumabago sa buhay maging sa pinakapasaway na Cristiano sa loob ng Iglesia.
Bakit may mga Cristianong nanghihina? Bakit maraming Cristiano ang nananatiling talunan sa tukso ng kasalanan? Basahin, sauluhin, at pag-aralan ang Biblia ngayon. Maging patuluyang bahagi ng ating buhay ang pinakamakapangyarihang kagamitan ng bawat Cristiano. Ang Biblia ay ating kalakasan!
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church
No comments:
Post a Comment