Search This Blog

Friday, August 5, 2016

MAPALAD ANG MGA GUTOM AT UHAW SA KATUWIRAN

"Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila'y bubusugin.”
Mateo 5:6

DAMA MO NA BA? Sa panahong kinamulatan natin ,tila ang karahasan ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay. Sino namang tao ang magsasaya habang ang nababalitaan natin ay magkakabilang kriminalidad? Marahil, masasabi pa ng iba sa atin, "ang hirap mabuhay sa panahon ngayon." Mapalad pa nga ba tayo? Madadama ba natin ang masayang buhay sa kabila ng mga kaguluhang nasa paligid lang natin? Kaya marami ang pinili na lamang magsarili. O maging makasarili. Sabi nga e, "each one for his own." At sa ating mga Pinoy, "MATIRA ANG MATIBAY!" 'Yan ang laban ngayon. Kaya nga, kahit wala na sa lugar, basta makabubuti sa sarili, tuloy ang buhay. Pero masaya nga kaya ang mabuhay na wala sa katuwiran?

GUTOM AT UHAW SA KATUWIRAN. Maliwanag ang turo ng Panginoong Jesus. Ang mapalad na buhay ay nasa katuwiran! Hindi lang basta nasa katuwiran, kundi nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran. Unawa na natin ang nais sabihin ng talata, ang gutom at uhaw ay may pakiramdam ng pananabik at hahanap ng paraan para lamang matugunan ang gutom at uhaw. Na kung ang pagkain at tubig ay nariyan sa kanyang tabi, tiyak hindi siya uuwing hindi naghihimas ng tiyan. Ganun din ang mga taong gutom at uhaw sa katuwiran. Sabik sa presensiya ng Matuwid na Diyos. Hinahanap-hanap ang laging makagawa ng matuwid. Hindi papayag na kasamaan ang manaig. Sa halip, ang isinusulong ay ang matuwid. Sa isang mananampalatayang Cristiano, ang laging basehan nito sa pamumuhay ay ang Biblia bilang gabay sa matuwid na buhay. Ang laging sentro ng kanyang mga lakad ay ang Panginoong Jesus na kanyang Panginoon at Tagapagligtas. Ang kapangyarihan niya sa matuiwid na buhay ay ang Banal na Espiritu. At ang lahat ng matuwid na ginagawa'y sa kapurihan ng Diyos Ama.


BUBUSUGIN! Tunay na mapalad ang mga taong gutom at uhaw sa katuwiran! Ang pakinabang natin ay kabusugan. Maaaring tingnan natin ito ng literal na kabusugan ng pisikal. Subalit higit pa rito ay ang kabusugan ng ating mga espiritu. Kapatawaran ng kasalanan. Kaligtasan ng kaluluwa. Kapangyarihan laban sa kasamaan. Kayamanan sa kalangitan. Kakayahang mamuhay sa katuwiran. At marami pang ibang kabusugan na nagdudulot ng kakontentuhan sa buhay na taglay. Ito ang magdadala sa aitn ng buhay na mapalad! Masayang buhay!

#pastorJHUN

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...