Search This Blog

Saturday, October 25, 2014

FOR THIS IS THE WILL OF GOD

Mangagalak kayong lagi;
Magsipanalangin kayong walang patid;
Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo;
sapagka't ito ang kalooban ng Dios
kay Cristo tungkol sa inyo.
1 Tesalonica 5:16-18

MAGALAK KAYO LAGI. Ang buhay ay masalimuot sa pananaw ng isang taong maraming pinagdaraanan. Ngunit ito ay makulay sa mga taong nakikita ang pagkilos ng Diyos sa kanyang buhay kahit ano pa ang mga problemang dala-dala sa araw-araw. Mahirap magalak kapag mabigat ang problema. Subalit ang isang mananampalatayang Cristiano, hindi man nagpapakita ng panlabas na saya, ay patuloy na may galak sa kanyang puso dahil nalalaman niyang may Diyos na tutugon sa lahat nang ito. Magalak sapagkat ito ang kalooban ng Diyos!

MANALANGING WALANG PATID. Patuluyang panalangin. Ang lahat ng nagaganap sa buhay ay ipinapanalangin. Sa bawat sandali ay dumudulog sa mahabaging trono ng Diyos. Ang mga tagumpay maging kabiguan ay inilalapit sa Diyos. Isang malapit na pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Hindi madali ang manalangin ngunit ito ay nagpapakita kung anong pananampalataya mayroon ang isang tao. Habang tayo ay nananalangin, lalo tayong napapalapit sa kabanalan ng Diyos. Manalangin sapagkat ito ang kalooban ng Diyos!

SA LAHAT NG BAGAY MAGPASALAMAT KAYO. Paano ba ang magpasalamat sa lahat ng bagay kung ang nararanasan ay simbigat ng mundo? Mas madali ang magreklamo. Tama. Subalit sa isang lumalalim ang pananalig sa Diyos, nalalaman ng kanyang puso na ang anumang bagyo sa buhay ay lilipas din. Pansamantala. Matatapos isang araw. Aniya, “Salamat O Diyos sa problemang ito sapagkat nalalaman kong hindi sa lahat ng panahon ay mayroon ako nito.” Magpasalamat, maaliwalas man o may malakas na bagyo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos!


Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...