Search This Blog

Tuesday, October 21, 2014

BETTER THAN SACRIFICE

At sinabi ni Samuel, “Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain,  at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.” 1 Samuel 15:22

HANDOG AT HAIN.  Ang utos kay Haring Saul ay “lubos na lipulin” ang mga Amalecita (t.3). Nagtagumpay ang buong bayan ng Israel subalit “pinanghinayangan” nila ang Hari at mga pinakamabubuting hayop (t.9). Ang katwiran ni Saul, kaya itinira ang mabubuting hayop ay “upang ihain sa Panginoong Diyos” (t.15). Tama lamang na ihandog sa Diyos ang pinakamainam. At ‘yon naman talaga ang dapat! Na ang bawat paghahandog ay nasusukat, hindi sa laki o liit nito, kundi sa tamang pamantayan sa pagkakaloob nito.
BETTER THAN SACRIFICE. Pagsunod, maigi kay sa hain.” Ang pagsunod ay una kay sa mga handog o hain natin. Maaaring tama ang sukat ng iyong kaloob, subalit ang nais ng Diyos ay ang buung-buong pagsunod natin sa Kanyang pamantayan. Hindi passes ang ginagawang paghahandog para gumawa tayo ng mga mali o kasalanan. Ang sabi ni Samuel kay Saul, “ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa diyus-diyosan” (t.23). Naghahandog ka nga, sumusuway ka naman sa utos ng Diyos. Higit na mabuti, sumunod ka sa Salita ng Diyos at saka maghandog ng pinakamabuti sa Kanya.
MASUNURING ANAK. Ang paksang ito ay magtuturo sa atin sa daan ng pagsunod. Mahirap gawin, pero sunod lang tayo. Pagsunod ng mga anak sa mga magulang. Pagsunod sa nakatataas ng bawat isa sa atin. Pagsunod ng isang Cristiano sa Panginoong Jesus. Isang Cristianong nagpapahalaga sa pagsunod higit pa sa mabubuting handog na dinadala sa altar ng Diyos. Tandaan: HIGIT ANG PAGSUNOD!

Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...