Search This Blog

Monday, October 20, 2014

PAG-ASA SA HINDI NAKIKITA

“Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.”
Hebreo 11:1

PANANAMPALATAYA. Ang pananampalataya ay maaaring tumukoy sa isang sistema ng relihiyon.  Subalit ang pananampalataya ay higit pa sa niyayakap na samahan. Ang pananampalatayang Cristiano ay pagsunod kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Pananampalataya sa kapatawaran ng kasalanan at kaligtasan ng kaluluwa dahil sa kamatayan Niya sa krus.

MANGYAYARI ANG INAASAHAN. Ang Biblia ay naglalaman ng maraming pangako. Ang marami sa Lumang Tipan ay naganap na sa Bagong Tipan. Umaasa tayo sa pangakong buhay na walang hanggan sa sinumang sasampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos. Pinanghahawakan nating magaganap ang pangakong pagbabalik ng Panginoong Jesus upang isama ang Kanyang mga alagad. Mangyayari ang ating inaasahan!

PAG-ASA SA HINDI NAKIKITA. Sa ngayon, tayo ay nabubuhay sa pananampalataya. Hindi “to see is to believe” kundi “to believe is to see.” Ang pagdalo sa pananambahan, pag-awit sa Choir, pagkakaloob ng ikapu at mga handog, pagtuturo at pagdalo sa Sunday School, paghahatid at pakikinig ng sermon, at iba pa, ay kapahayagan ng ating pananampalataya. Nagtitiwala tayo sa hindi natin nakikita at mula doo’y nakikita natin ang pagtupad ng Diyos sa Kanyang mga pangako. Purihin ang Panginoon!


Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...