Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba.
1 Pedro 3:8
MAGKAISA AT MAGDAMAYAN. Ang tahanan ay binubuo ng pamilya na ang kalagayan ay magkakaiba. Magkakaiba sa edad. Magkakaiba ang kinalakihan. Magkakaiba ang itsurang pisikal. Magkakaiba ang kalooban at gustong gawin. Magkakaiba ang karunungan. Sa mabuting pag-uugnayan ng pamilya, mahalaga ang pagkakaisa at pagdadamayan. Tulad ng isang choir, hindi maaaring humiwalay ng pagkanta ang isang part kundi nararapat na nasa tamang nota siya upang makagawa ito ng magandang pag-awit. Magkakaiba man, pero iisang awitin ang performance.
Mahirap magkaroon ng pagkakaisa kung walang pagdadamayan. Kailangan kasing nalalaman mo ang kalagayan ng bawat isang member ng family upang magawa mo siyang damayan nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakaisa.
MAGMAHALAN BILANG MAGKAKAPATID. Ang utos ng Panginoong Jesus sa mga alagad Niya ay pagmamahalan sa isa’t isa. Sa loob ng tahanan, ang pagmamahal ay ayon sa pagiging kadugo o relational. Mahal mo siya kasi asawa mo siya, kasi kapatid mo siya, kasi anak mo siya, kasi magulang mo sila, kasi…..
Ang pagmamahalang magdadala sa tahanan sa mabuting ugnayan ay pagmamahal na tulad ng nais ng Panginoong Jesus sa mga alagad Niya. Magmahalan tayo bilang magkakapatid. Bilang mga alagad Niya sa loob ng Kanyang sambahayan. Ibig sabihin, maliban pa sa dugong dumadaloy sa inyo, bilang mga mananampalataya, mahalin ang bawat isa dahil nalalaman niyang ang kanyang asawa, anak, magulang etc ay kapatid niya sa Panginoon, kapwa mananampalataya at alagad ng Panginoong Jesus.
PastorJLo
No comments:
Post a Comment