Search This Blog

Tuesday, October 29, 2024

HUMINGI SA DIYOS

  Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.

Santiago 4:2b-3

 

HUMINGI NA MAY TAMANG LAYUNIN. Ang prinsipyo, hindi tayo tumatanggap dahil hindi tayo humihingi. Paano kung humihingi naman tayo pero hanggang ngayon ay hindi tayo natutugon sa ating pananalangin? Paano ba natin matatanggap ang hiling natin sa panalangin? Una, ang paghingi natin sa Diyos ay nagkakaroonn ng katugunan kung tayo ay humihingi na may tamang layunin. Tama ang  motibo at nakatitiyak na kalooban ng Panginoon. Tandaan, tayo ay humihingi ayon sa pamantayan ng Diyos; matuwid, malinis, banal. Hindi tamang panalanging may anumang diwa ng kadiliman ng puso ng taong dumudulog sa panalangin. Sa halip, hinahanap natin ang kalooban ng Diyos bago natin ibukas ang ating mga labi sa paghingi sa Panginoon.

HUMINGI HINDI PARA SA SARILING KALAYAWAN. Ang paghiling sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ay pagsusuko ng pansariling kalayawan o kagustuhan lamang. Humihingi tayo hindi dahil gusto lamang natin kundi sa dahilang ito ang ating kailangan at hindi lamang para mapagbigyan ang hilig ng laman o ng sarili. Maraming pagkakataong nananalangin tayo upang maibsan ang ating mga personal desires and pleasures. Tandaan ang sinabi ng Panginoong Jesus, "Sundin ang loob mo." Nananalangin tayo hindi upang pasunurin ang Diyos sa gusto lamang natin kundi upang mangyari sa atin ang kalooban ng Diyos para sa ikabubuti ng mga buhay natin. Maging ang Panginoong Jesus ay nagsabi, "Hindi ang aking kalooban, kundi ang kalooban mo ang masunod."



HUMINGI NA MAY PAG-IBIG SA DIYOS AT SA KAPWA. Madali para sa isang tao ang manalangin lalo na kung may matinding pangangailangan. Subalit sa pananalangin natin ay napakahalaga ng kalagayan ng ating mga puso. Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa ay kailangan sa paghingi natin sa Diyos. Hindi maaaring maging kaibigan ng Diyos ang taong umiibig sa sanlibutan (t. 4). Ang puso natin ay nakatuon sa Diyos, hindi sa mga bagay ng mundong ito, kung nais natin ang katugunan sa ating panalangin. Ang pag-ibig sa Diyos ay buong puso, buong isip, buong lakas at buong kaluluwa (Mate0 22:37-40). Gayundin naman, ang tamang relasyon natin sa kapwa ay mahalaga sa ating pananalangin. Nais ng Panginon na makipagkasundo muna tayo sa kaaway natin bago dumulog sa Kanyang dambana (Mateo 18:15-17). Magmahalan tayo ang utos ng Panginoon!

                                                                                          PastorJLo

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...