Search This Blog

Saturday, September 9, 2023

PAG-ASA NG KATAGUMPAYAN

Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:

Colossians 1:27

 

Tapos na ang NAKARAANG taon. Marahil marami sa atin ang nagtagumpay sa nagdaang taon. Naisagawa ang lahat ng mga balakin at mga plano. Naging masaya ang maraming araw. Subalit naniniwala rin akong may mga bahagi ng 2007 ang tila ayaw nating balikan. Mga araw ng kabiguan at panlulupaypay. Sa anumang kalagayan, tagumpay man o kabiguan, tandaan natin: tapos na ang taong 2007 at hindi na natin maaari pang balikan.

Sa bagong taonG dumating, manalig tayo na may pag-asang naghihintay sa atin. Hindi natin nalalaman ang magaganap. Marami tayong mga pangarap. Isaisip nating ang taong ito ay may dala-dalang pag-asa sa bawat taong nananalig sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang yaman, dunong, ganda, lakas, at damdamin ay lilipas. Maaari natin itong asahan…pansamantala. Ang Panginoong Jesus lamang ang makapagbibigay ng maluwalhating pag-asa na pangwalanghangga.

Isang bagong taong punung-puno ng pag-asa ng pagtatagumpay ang sumainyong lahat!

 

Pastor JLo

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...