Search This Blog

Wednesday, September 13, 2023

PAG-ASA NG TUGON SA DALANGIN

“Kaya't huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo'y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.”

Hebreo 4:16

 

Isang midwife ang nangarap na magkaroon ng sariling clinic. Subalit tila napakaimposible nito dahil ang pinaglilingkuran niya’y sa tabing riles lamang. Nagtiyaga siya sa mga paunti-unting bigay ng bawat pinapaanak. Minsan nga’y abonado pa siya sa pagpapakain kung ang mag-asawa’y walang pera sa kasalukuyan.

Inalis ang mga tao sa riles. Kasama ang pamilya ng midwife. Nagpatuloy siya sa paglilingkod. Muli ko siyang makausap, nasa tatlong palapag na ang kanyang bahay at may sarili na siyang clinic na pinangangasiwaan. Ang wika niya, “Tinugon ng Diyos ang aking mga dalangin.

Nawalan ka na ba ng pag-asa sa pagtugon ng Diyos sa iyong mga dalangin? Naniniwala ka bang  tunay na ang Diyos ay tumutugon sa iyong pangangailangan? Ang bagong taon ay naghahatid ng pag-asa. Na kung ikaw ay suko na sa panalangin… na kung nais mo nang wakasan ang iyong buhay sa dami ng suliraning nagtambak sa iyo… na kung ang pagkainip ay dumarating sa iyong puso’t isipan…. Alalahanin nating may pag-asa tayong lahat na ang panalangin nati’y may katugunan.

                                                                                                                 Pastor JLo


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...