Search This Blog

Friday, September 8, 2023

PAG-ASA SA BUHAY

“Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras man lamang sa pamamagitan ng pagkabalisa?”

Lucas 12:25

 

Lahat tayo ay may problema. Lahat ay may pasanin. Magkakaiba nga lang ang bigat nito. Nagkakaiba rin tayo sa pagharap sa mga ito. At marami ang nasa kalagayan ng pagkabalisa.

Sa nagdaang taon, marahil ay di na mabilang ang mga suliraning sinalubong ng bawat isa sa atin. Mga pagsubok na pilit na gumagawa ng paraan upang tayo ay magapi at maitumba. At natitiyak kong ang ilan sa atin ay may dala pa ring suliranin mula sa nagdaan.

Sa taong ito, bagong pag-asa ang ating inaasahan. Isang pag-asa na ang Diyos ay magkakaloob ng ating mga pangangailangan. Dalangin kong magkaroon tayo ng isang  buhay na malaya sa kabalisahang maaaring maidulot ng kaguluhang haharapin natin sa taong 2008.

Ano ba ang kalagayan ng buhay mo ngayon? Anong mga sitwasyon ang naghahatid sa’yo ng kabalisahan? May mga pangangailangan ka ba na naglalagay sa iyo ng iba’t ibang alalahanin? Tandaan nating may pag-asa sa buhay. Huwag mabalisa. Sa halip ay manalig at unahin natin ang Panginoon. Lahat idaragdag Niya!

Pastor JLo

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...