Search This Blog

Friday, September 22, 2023

Love Thy Neighbor: UNA TAYONG INIBIG NG DIYOS

 “Tayo'y umiibig  sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.”

1 Juan 4:19

 

MALING PAG-IBIG. “Pag-ibig, masdan ang ginawa mo...winasak ang abang puso ko.” Sa awiting ito, tila napakasaklap ng buhay dahil lamang sa naranasang pag-ibig. Hindi ito nararapat! Ang pag-ibig ay isang napakagandang karanasan na nagbibigay ng kulay at sigla sa buhay ng sangkatauhan. Kung wala ito, ano pa ang saysay ng buhay?

TAMANG PAG-IBIG. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak dahil sa kalakihan ng Kanyang pag-ibig sa sanlibutan. Pag-ibig na ibinigay Niya sa kabila ng makasalanang kalagayan ng tao. Ang pag-ibig na ito ang nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng taong “sinumang sa Kanya’y sasampalataya ay hindi na  mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

UNA TAYONG INIBIG NG DIYOS. Nabubuo ang mabuting  ugnayan dahil sa pag-ibig. Ang pakikipag-ugnay natin sa Diyos ay nagsimula dahil sa pag-ibig na Kanyang ipinadama sa atin. Hindi tayo ang unang umibig sa Diyos. Sa halip, nagagawa  nating ibigin ang ating kapwa dahil una Niya tayong inibig. Ibigin natin ang ating kapwa bunga ng nag-uumapaw na pag-ibig na ating nadama mula sa Diyos Ama.

 Pastor JLo

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...