Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?" tanong ni Jesus. "Ang nagpakita ng habag sa kanya," tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Humayo ka't gayon din ang gawin mo."
1 Juan 4:19
TANONG. Anong mabuting bagay ang nagawa mo para sa iyong kapitbahay nitong nakaraang sanlinggo? Sinong tao ang naabutan mo ng iyong pagtulong?
MADALING SABIHIN, MAHIRAP GAWIN. Kay dali para sa atin ang magsabing “iniibig ko ang aking kapwa.” Ngunit ang pagsasagawa nito’y hindi madali. Tandaan natin: ang pag-ibig ay isang pagkilos. Kailangan ang aksyon upang mapatunayang mahal nga natin ang taong pinagsabihan nito. Tulad ng gawa ng Diyos, “ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.” (Roma 5:8) Naunawaan natin ang pag-ibig Niya dahil sa pagkamatay ni Jesus sa krus. Isang paraktikal na pag-ibig.
ISAGAWA SA MASAGANANG ANIHIN. Sagana ang aanihin natin kung ang praktikal na pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay ating pagtutuunan. Lampasan natin ang pagsasabi lang sa kanila tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Gumawa tayo ng mga hakbang na magpapadama sa kanila ng dakilang pag-ibig ng Diyos. Huwag lang sabihing mahal natin sila…, humayo at gawin natin!
Pastor JLo
No comments:
Post a Comment