Search This Blog

Thursday, September 21, 2023

Love Thy Neighbor: SINO ANG AKING KAPITBAHAY?

 

“Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”

Mateo 22:39

 

“Who are the people in your neighborhood?” Ito ay kilalang awitin ng isang children’s program. Isang tanong, sino nga ba ang mga taong nakapaligid sa atin? Sino ang mga kapitbahay nating Cristiano?

PAG-IBIG NA MAY KONDISYON. Madaling magmahal kung kilala mo ang iyong mamahalin. Madaling magsabing mahal kita kung ang sinasabihan nito ay kaibig-ibig para sa atin. Ito ang uri ng pag-ibig ng karamihan - pag-ibig na nakadepende sa taong mamamahalin. Paano kung ang taong iibigin ay makasalanan? Paano kung sila ay walang mabuting magagawa sa atin, mamamahalin pa rin ba natin sila?

PAG-IBIG NA WALANG KONDISYON. Ang bawat Cristiano ay nagpasyang sumunod kay Jesus dahil sa pagkaunawang minahal siya ng Diyos sa kabila ng kanyang kasalanan. Na ang pagkamatay ni Jesus sa krus ay patunay ng dakilang pagmamahal ng Diyos sa kanya. Malibang ito ang pagkaunawa natin sa pagiging mananampalataya, tiyak na magiging mahirap sa atin ang magmahal ng ating kapwa. Sa buwan ng pag-ibig, muli tayong magsagawa ng pagmimisyon sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga taong kabilang sa ating mga “kapitbahay.”

Pastor JLo

 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...