Search This Blog

Monday, September 25, 2023

Joy to the World: KAGALAKAN SA PANANALANGIN

 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.

John 16:24

 

KAHILINGAN. Isang lalaki ang kumakain ng kanyang paboritong biskwit. Biglang may lumapit na matandang babae at sumenyas ng gutom. Naawa ang lalaki at ibinigay ang kalahati ng biskwit. Biglang nagbagong anyo ang babae at naging isang diwata. Ang lalaki’y binigyan ng isang kahilingan. “Isang bagong kotseng kulay pula!” hiiling ng lalaki. Bumagsak sa harapan niya ang isang pulang kotse! Kalahating nga lang! Dahil kalahating biskwit lang ang ibinigay niya sa babae.

KAHILINGAN SA DIYOS. Pamilyar tayo sa ganitong kwento. Mangangako ang genie o diwata sa taong tumulong sa kanya. At ang magulong mga tagpo sa mga kahilingan ay tuloy-tuloy na. Subalit ang lahat ng mga kwentong tulad nito ay hindi man lamang pumapantay sa mga pangakong ibinigay ng Diyos para sa ating mga pangangailangan. Walang limit ang Kanyang biyaya. Tiyak na ang bawat kahilingan natin ay may tugon siyang nakalaan. Tayo ay manatiling nananampalataya sa         kapangyarihan ng Diyos na ipagkaloob ang anumang hingin natin sa Kanya.

Tandaan: Nais ni Jesus na malubos ang ating kagalakan. Hingin sa Kanyang pangalan ang ating mga kahilingan. Magalak tayong lahat!

 Pastor JLo

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...