“Kay ligaya kung ako’y naglilingkod, Sa Hari kong Manunubos; Kapayapaa’t kagalaka’y lubos, Kung ako’y naglilingkod.”
Imnario ng IEMELIF 123:1
Ayon sa ilang pag-aaral. Humigit-kumulang sa 20% lamang ng kabuuang bilang ng isang Kongregasyon ang aktibong nakikiisa sa mga gawain ng Iglesia. Ang natitirang 80% ay mga “Sunday Christian” na lamang – mga kaanib na makikita mo tuwing Worship Service. Nakalulungkot isiping ilan sa kanila’y nagagawa pang umabsent. Kaya minsa’y naitatanong ko, “Kung maligaya ang paglilingkod, bakit maraming miyembro ang nakuntento na lamang sa lingguhang pagdalo?”
ANG PAGKATAWAG SA ATIN. Tinawag tayo ng Diyos upang mapatawad sa kasalanan at sa gayo’y maligtas. Ang kaligtasang natamo natin ay hindi passes para tayo ay magpatuloy sa kasalanan o kaya’y maging Cristianong panlinggo na lamang. Ito ang dapat na maging dahilan natin sa isang maligayang paglilingkod. Magiging sagana ang anihin sa taong 2008 kung ang 80% ng mga kaanib ay sama-sama sa paghahanda, pagtatanim, at pangangalaga ng bukirin ng Diyos sa halip na 20% lamang.
SAMA-SAMA SA PAGLILINGKOD. Ibilang mo ang iyong sarili sa mga manggagawa ng Diyos! Maging natatanging kaanib ng Sangandaan IEMELIF Church! Tiyak na bibigyan ka ng Diyos ng lubos na kagalakan! Kay ligaya ang maglingkod!
PastorJLo
No comments:
Post a Comment