Search This Blog

Wednesday, June 14, 2023

Bibigyan ka ng Diyos: BIBIGYAN ANG HUMIHINGI

 

"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan;…
Ibibigay niya ang mabubuting bagay
sa mga humihingi sa kanya!”
Mateo 7:7, 11

Minsan ko nang nabanggit ang katapatan ng Diyos sa pagbibigay ng pangangailangan ng aking sambahayan. Ipinagmamalaki ko ang kabutihan Niya sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahong kailangan namin ang Kanyang tulong. Ibinibigay ng Panginoon ang kahilingan ng Kanyang lingkod!

BIBIGYAN ANG HUMIHINGI. Totoong alam na ng Diyos ang bawat pangangailangan natin kahit hindi pa natin ito hinihingi. Subalit ang pagtanggap nito’y nakasalalay sa ating paghingi. Maliwanag ang katuruan ng Salita ng Diyos, “humingi…bibigyan…. Ibibigay… sa mga humihingi…” Walang pasubali na ang bibigyan ay ang mga humihingi!

Hindi natin maaaring tanungin ang pamamaraan ng Diyos: bibigyan ang humihingi. Ang ating pagtuunan ay ang paraan ng paghingi. Tamang paghingi upang matanggap natin ang tugon ng Panginoong Jesus. Hindi ang pansariling pamamaraan natin kundi ang pamamaraang ibinibigay ng Diyos sa Kanyang Salita. Humingi ang nais bigyan ng Diyos!

Pastor JLo

 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalam...