Search This Blog

Wednesday, September 6, 2023

Bibigyan ka ng Diyos: PANGINOON ANG NAGKAKALOOB

  

Ang lugar na iyo'y tinawag ni Abraham na,"Ang Panginoon ang Nagkakaloob." At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao:"Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan."

Genesis 22:14

Sa bawat umaga, tayo ay nagigising na taglay ang buhay. Karamihan sa atin ay kumakain ng tatlong beses sa isang araw, nakapagsusuot ng maayos na damit, at may tahanang nasisilungan. Ang mga Ito ay pangunahing kailangan natin. Mga pangangailangang ang Panginoon ang nagkaloob.

Subalit sa mga nabanggit, marami pa rin ang ating mga pangangailangan. Buwanang bayarin sa kuryente at tubig. Libu-libong tuition fees kung ikaw ay nagpapaaral ng anak sa kolehiyo. Pambayad sa doktor at pambili ng gamot ng mga may karamdaman. At marami pang listahan ng mga gastusing hindi maubus-ubos. Tanong ng marami, “Ang Panginoon nga ba ay nagkakaloob?

Sa mga nakaraan, natutuhan natin na ang nagbibigay at humihingi ay bibigyan ng Diyos. Nagbigay na tayo at humingi, ano pa ang dapat gawin upang maranasan ang Panginoon nating nagkakaoob?

Tandaan: Ang Panginoon ay nagkakaloob sa sinumang magtitiwala at susunod sa Kanya!

Pastor JLo

 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalam...