1 Juan 4:20
"Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? ."
____________________
"Iniibig ko ang Diyos." Ang pagsasabi nito ay pinatutunayan ng paggawa; pagtulong, pagmamalasakit, pang-unawa at iba pang kilos na nagpapahayag ng pag-ibig sa kapatid. Kung sa pagsasabi nito ay may kapatid kang kinapopootan o kaya'y pinakikitaan ng galit, kasinungalingan ang pahayag mong mahal mo ang Diyos. Sapagkat hindi maaaring mahal mo ang Diyos pero ang puso mo naman ay punung-puno ng sama ng loob sa kapwa. Ang patunay na mahal nga natin ang Diyos ay ang pagmamahal din naman natin sa ating kapwa.
Mahalin ang kapwa kung mahal mo ang Diyos. Ito ang patunay ng pagmamahal sa Panginoon. Hindi maaaring sabibin, "Basta ang Diyos mahal ko, wala akong pakialam sa kapwa ko." Sapagkat may lakas ng loob lamang na masasabing, "Mahal ko ang Diyos," kung sa kapatid, ikaw ay nagmamahal din naman.
Pastor Jhun Lopez
No comments:
Post a Comment