Search This Blog

Wednesday, September 29, 2021

MAG-IBIGAN TAYO!

  1 Juan 4:7-8

"Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.."

____________________

MAG-IBIGAN TAYO. Isa ito marahil sa mga utos na gamit na gamit natin at kadalasang hindi natin naisasagawa nang tama. Sabi nga, madaling sabihin pero mahirap gawin. Subalit bilang mga mananampalataya na ang batayan ng pamumuhay ay ang pag-ibig na ipinadama ng Diyos, ang pag-ibig sa kapwa ay gawaing hindi dapat option kundi nararapat lang na gawin. Ang Diyos na pinagmumulan ng pag-ibig ang nag-uudyok sa atin upang mahalin natin, tulad ng Kanyang pagmamahal, ang ating kapwa lalo na sa kapwa mananampalataya.




UMIIBIG ANG ANAK NG DIYOS. IPatunay ng pagiging anak ng Diyos ng isang tao ang pag-ibig sa kapwa mananampalataya. Bilang magkakapatid sa Panginoon, bago natin ibigin ang mga tao sa sanlibutan, ang pagmamahal sa mga taong nagpapahayag ng pagsunod sa Diyos ay dapat nating mahalin. Ang Diyos na umibig sa atin ang dahilan kung bakit natin nagagawang mahalin ang isang tao maging sino pa man ito. Na ang tanging batayan natin ay ang kaalamang sila man ay mga anak ng Diyos na dapat nating mahalin.

Mag-ibigan tayo! Maraming paraan upang maipadama ito sa kapatiran. Higit sa mga ito ay ang pag-ibig na ipinakita sa atin ng Diyos - ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak! At ang pag-ibig na ipinadama ni Cristo sa lahat - inialay Niya ang Kanyang buhay sa krus! Mga minamahal, mag-ibigan tayo!


Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...