Search This Blog

Thursday, September 23, 2021

ITIGIL NA ANG PAGKAKASALA

  1 Juan 3:8

"Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y nagkakasala na ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo."

____________________

ANG NAGPAPATULOY SA PAGKAKASALA. Isang malaking irony ang Cristianong nagsasabing tagasunod ni Cristo subalit ang buhay ay nakalubog sa kasalanan. Sapagkat ang pagiging Cristiano ay nagsisimula sa pananampalataya at pagsusuko ng kasalanan sa Panginoong Jesus, ang pagbabago ng buhay na malaya sa gawa ng kasamaan ay siyang inaasahang kasunod na maipakikita ng buhay. Dahil kung magkagayon, nananatili tayong kampon ng diyablo kung ang kasalanan ay patuloy na umaalipin sa buhay natin. Ang kasalanan ay likas at sadyang katangian ng masama. 




NAPARITO ANG ANAK NG DIYOS. Ang pagdating ng Panginoong Jesus sa buhay ng isang tao ay nagbubunga ng palaya at kamatayan sa kasalanan. Winawasak Niya ang lahat ng mga kuta ng kaaway sa buhay natin. Sinisimulan Niyang saliksikin ang bawat sulok ng ating mga buhay upang maiwaksi ang mga gawa ng masama na tumatanikala sa uri ng pamumuhay ng isang tao. Ito ang mga gawaing pumipigil sa ating paglagong Cristiano. Ito ang mga tukso ng diyablo na umaalok sa ating paglayo sa presensiya ng Diyos. Kaya nga, marapat ang patuluyang pagpapasakop natin sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang tayo ay makapamuhay na malayo at malaya sa gawa ng diyablo.

Sumasaatin ang Panginoong Jesus, Ang kapuspusan ng Banal na Espiritu ay palagian nating nasain. Ang diyablo ay nag-aantay ng pagkakataong tayo ay maihulog sa kanyang mga bitag at tukso. Ipaubaya natin ang ating mga buhay sa kakayahang wasakin ng Panginoong Jesus ang gawa ng masama. Itigil na ang pagkakasala!

  

Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...