Santiago 5:16
Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
______________
Lumaki ako sa pananampalatayang kailangan ikumpisal ang nagawang kasalanan sa lider ng simbahan. Pagkatapos ay mananalangin ng ilang mga panalangin na para bang pagkatapos noon ay nalinis ka na sa kasalanan. At handa na sa pagtanggap ng ostia sa darating na linggong pagsimba.
Mapanalanginin naman ako. Laman ng ako ng simbahan tuwing gabi ng Miyerkules. At imaasang tatanggap ng kasagutan pagkatapos ng siyam na sunud-sunod na pananalangin.
Ang lahat nang karanasang iyon ay humubog sa akin upang lalo ko pang hanapin ang Diyos sa aking buhay. Isang pananampalatayang nakatitiyak sa kapatawaran ng kasalanan at pananalanging may pag-asa sa katugunan.
Nang ako ay manampalataya sa Panginoong Jesus, isang karanasang personal na pagsisi at pagtatalaga ng buhay sa Kanya, binago ng Diyos ang aking buhay.
Ang kasalanan ay lubos ko nang naihingi ng tawad at kinilala ang ginawa ni Jesus na pagtubos sa aking mga kasalanan. Nagsimula ako sa buhay na dumadalangin para sa iba at para sa kasalanan ng iba. Ang mga kahilingan ko ay nakatuon na sa mga kahilingan ng mga kapatiran at iba pang may kailangang matugunan.
Hindi ako matuwid sa ganang sarili ko. Subalit naniniwala akong pinapagingdapat ako ng Diyos sa pananalangin para sa iba dahil sa Kanyang biyaya at ang Kanyang pagtugon ay nararanasan ng mga taong nailalapit sa pananalangin.
Pastor Jhun Lopez
No comments:
Post a Comment