“Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay niya sa tahimik na batisan. . .”
pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay niya sa tahimik na batisan. . .”
Awit 23:1-2
SI YAHWEH ANG AKING PASTOL. Ang mga aral sa buhay ng isang pastol ay hindi lingid sa mga Israelita lalo na kay Haring David na naging pastol ng mga tupa bago naupo sa pagiging hari. Sa awit na ito, na siya ang sumulat, inaalaala niya ang buhay ng mga tupa sa piling ng kanilang pastol. Na sa awit, inihalintulad niya ang sarili sa isang tupa. At para sa kanya, ang Diyos ang kanyang dakilang Pastol. Nag-aalaga, gumagabay, nag-iingat, nagpapakain, kumakalinga, nagmamahal, nagmamalasakit at marami pang ibang mabubuting bagay na ginagawa ng kanyang dakilang Pastol.
HINDI AKO MAGKUKULANG. Ang tunay na pastol ng mga tupa ay laging tumutugon sa needs ng mga tupa. Willing siyang ilagay ang sarili sa panganib alang-alang sa mga alaga. Sa kagutuman at kauhawan, anumang pangangailangan, ang pastol ay ready sa pagtugon. Ang Diyos ay higit sa lahat ng mga pastol. Walang imposible sa Kanya. Kaya Niyang ipagkaloob sa mga tupa ang anumang kakailanganin. At ang nakagagalak, hindi Siya magkukulang! Dahil dito, walang dahilan para malungkot sa buhay ang isang tupa ng Diyos.
LUNTIANG PASTULAN, TAHIMIK NA BATISAN. Sa mga tupa, dalawa lamang ang halos kailangan nilang gawin upang maging pakinabang at kagalakan sa kanilang pastol—kumain at uminom. Ito ay una sa listahan ng isang pastol, ang ihanap sila ng lugar na kakainan at maiinuman. Ang damong luntian ay sagana sa sustansiya, samantalang ang tahimik na batisan ay ligtas na inuman para sa mga tupa. Ganoon nakita ni Haring David ang dakilang Pastol! Ipagkakaloob Niya sa mga tupa ang pinakamainam at pinakamabuting tugon sa kanilang pangangailangan. Purihin ang Dakilang Pastol!
MAGING PASTOL SA ISA’T ISA. Katawanin naman natin ang Dakilang Pastol sa bawat isa. Tayo’y maging pagpapala sa buhay ng mga kapatiran at makita nila sa atin ang kaluwalhatian ng Dakilang Pastol!
Pastor Jhun Lopez
_______________________________
Nakaraang blog: NAIS NI JESUS MAGING ALAGAD KA NIYA
Nice po
ReplyDelete