Search This Blog

Sunday, March 17, 2019

PAG-ASANG DI NATITINAG, SA KATAPATAN NG DIYOS NAKALAGAK

“Magpakatatag tayo sa ating pag-asa
at huwag nang mag-alinlangan pa,
sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.”
Hebreo 10:23

MAGPAKATATAG SA PAG-ASA. Isa sa mga mahirap gawin ay ang umasa. Ito ay pagsubok sa ating pananampalataya; kung ito ba’y matitinag o hindi.   Sapagkat habang tayo ay may pag-asa, hindi tayo matatangay ng anumang problema at hindi tayo maaakay sa mga hidwang pananampalataya. Ito rin ang nagpapatatag ng pag-ibig; kung tunay nga ba ito at dalisay. Hindi ba’t ang laging tanong ng isang umiibig, “May pag-asa ba ako?” Dahil kung walang pag-asa, isinusuko na ang inihaing pag-ibig. Kaya nga, ang hamon sa atin, “Magpakatatag tayo sa ating pag-asa.”

HUWAG NANG MAG-ALINLANGAN PA. Ang kabaligtaran ng pananampalataya ay pag-aalinlangan. Nagiging mahina ang isang Cristiano sa kanyang pananalig kapag pumasok na ang pag-aalinlangan. Mas madaling nahahatak ng mga gawa ng sanlibutan dahil hindi lubos na ibinibigay ang tiwala sa Dioys. Sa halip, pinagdududahan niya ang mga aral na natutuhan mula sa Banal na Kasulatan. Tinanggap na natin ang katotohanang ang Panginoong Jesus ay nag-alay ng buhay sa krus sa ikapapatawad ng ating mga kasalanan. Sumaatin na ang kaligtasan mula nang tayo’y manalig sa Kanya. Ngayon, tayo ay naghihintay sa pangako ng Kanyang muling pagparito. Huwag nang mag-alinlangan pa.

ANG NANGAKO SA ATIN AY MAAASAHAN. Naalaala ko ang isang ilustrasyon, kung sakaling yayain kang sumakay sa isang eroplanong may mga tagpi sa pakpak at may tumutulong langis sa bandang likuran, sasakay ka ba? Syempre, hindi! Hindi ilalagak nang kahit sino ang kanyang kaligtasan sa bagay o tao na hind maasahan. Ang pag-asa ay maaari lamang nating maipagkatiwala sa natitiyak nating maaasahan. At wala nang iba pang mapagtitiwalaan sa buhay na ito kundi ang Makapangyarihang Diyos!

ILAGAK ANG PAG-ASA SA DIYOS. Tandaan natin, wala nang tatatag pa sa buhay na ang tanging  pag-asa ay ang Diyos. Papuri sa Diyos!


Pastor Jhun Lopez


____________________________________


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...