Search This Blog

Tuesday, November 20, 2018

HATE EVIL, LOVE GOOD

Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti.       
Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan,
baka sakaling kahabagan ni Yahweh
ang matitirang buháy sa lahi ni Jose.
Amos 5:15

KAMUHIAN ANG MASAMA. Ang panahon ni Amos ay sakbat ng kasamaan. Ang dami ng kasalanan at bigat ng kasamaan ng mga Israelita ay hindi na ikinatuwa ng Diyos. Kaya ang kanilang mga handog at mga paglilingkod ay nawalan na ng kabuluhan. Sadyang malakas ang tukso ng kaaway. Inaagaw nito ang kaligayahang makasama ang Diyos at maranasan ang mga biyaya ng Diyos. Malakas ang hatak ng masama subalit dapat na maging maliwanag sa isang mananampalataya ng Diyos na ang masama ay hindi sa panig ng Diyos. Kaya nga, ang ipinasabi ng Diyos kay Amos sa noo’y naliligaw na bayan ng Israel, “Kamuhian ang masama!”

IBIGIN ANG MABUTI. Ito ang utos ng Diyos sa mga mananampalataya Niya, “ibigin Siya ng buong puso, buong lakas, buong pag-iisip at buong kalulluwa.” Ang bunga nito ay pag-ibig sa paggawa ng mabuti. Pamumuhay ng matuwid. Malalim na pananampalataya sa Diyos. Marahil kung lahat ng tao, o mga mananampalatayang Cristiano na lamang, ay iibig sa kabutihan, napakagandang mundo ang ating tirahan. Ito ang hamon ng Diyos sa mga Israelita sapagkat nais Niyang mapanumbalik ang malapit na relasyon ng mga ito sa Kanya.

IIRAL ANG KATARUNGAN. Ang kawalan ng katarungan sa lupa ay tanda ng kawalan ng pananalig sa Diyos. Ito ang nakikita ng Diyos sa bayang Kanyang pinili. Laganap ang kasamaan. Walang katarungan. Ang pagkamuhi sa masama ay simula ng panunumbalik sa mabuti. Ang pagtakwil sa mga gawain ng kaaway ay magdadala sa isang tao na ibigin ang mabuti. Ang pagkilala sa presensiya ng Diyos sa bayan ay maghahatid sa kanila upang makamtan ang inaasam na katarungan.

AT ANG HABAG NG DIYOS AY MARARANASAN. Kamuhian ang masama! Ibigin ang mabuti! Simulan na sa pananalig sa Panginoong Jesus! Amen!

Pastor Jhun Lopez


_______________________
Nakaraang blog: TARA NA SA SUNDAY SCHOOL


No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...