Search This Blog

Saturday, June 23, 2018

MANAMPALATAYA SA MAGANDANG BALITA

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo,
ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita.” :: Marcos 16:15


MAGANDANG BALITA. Marami mang pangit na balita sa panahon ngayon, naniniwala akong higit na marami pa rin ang magagandang kaganapan sa daigdig. Syempre, dala ng komersiyalismo, mas pinapanood ng marami ang balita kung ito ay mas kontrobersiyal. Higit sa lahat nang ito, wala nang iba pang gaganda sa Magandang Balita na ipinangangaral ng Banal na Kasulatan—ang Panginoong Jesu-Cristo.

MAGANDANG BALITA NG PANGINOONG JESUS. Alam natin ang kasaysayan ng buhay ng Panginoong Jesus. Mula sa Kanyang kapanganakan sa sabsaban hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus ay hindi lingid sa karamihan. Marahil ay hindi kagandahan ang mga bahaging ito; (1) ipinanganak ang Hari ng mga hari sa bahay ng mga hayop at (2) Siya’y namatay tulad ng isang kriminal. Subalit narito ang Magandang Balita, ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli mula sa libingan! Hindi Siya nanatiling patay. Siya ay buhay!

IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA. Ito ang dakilang atas ng Panginoong Jesus, ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng tao. Subalit may una muna tayong dapat gawin. Kailangang manampalataya ang isang tao sa Panginoong Jesus saka niya magagawang ipamalita sa iba ang Magandang Balita. Hindi magiging epektibong saksi ang isang taong hindi tunay na nakasaksi sa pangyayari. Kailangan, magtiwala kay Jesus bilang Panginoon at Tagapaglitas—isang buhay na sumusunod sa Kanya, na ang kasalanan ay naisuko sa Kanyang krus. At mula dito, ang Magandang Balita ay iyong ipangaral!

Pastor Jhun Lopez



_________________________________
Nakaraang blog: KUNG ANG BUHAY AY GIYAGIS


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...