Ang kaharian ng langit ay maitutulad ditto... “Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.”
Mateo 25:1, 40
KAHARIAN NG LANGIT. Lahat ng mga mananampalataya ng Panginoong Jesus ay umaasa sa pananahan sa kaharian ng langit. Na sa muling pagparito ng Panginoong Jesus ay isasama tayo sa tahanan ng Ama na Kanyang ipinaghahanda para sa mga alagad (cf. Juan 14). Gayunpaman, ang kaharian ng langit na inaasahan sa hinaharap ay maaari na nating maranasan sa lupa sa pamamagitan ng mga Cristianong ipinamumuhay ang uri ng buhay doon sa kaharian ng langit.
KATANGIAN SA KAHARIAN NG LANGIT. Sa kabanatang 25 ng Mateo ay nagkwento ang Panginoon ng tatlong talinhaga na nagtuturo ng uri ng pamumuhay ng mga taong kabilang sa kaharian ng langit. Sa kaharian ng langit; ang mga Cristiano ay (1) laging handa sa pagdating ng Panginoong Jesus, (2) tapat sa mga ipinagkatiwala ng Panginoon at (3) tumutugon sa mga taong nangangailangan. Kung ang mga bagay na ito ay ating ginagawa, ang kaharian ng langit ay nakikita na dito pa lang sa kalupaan.
PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN NG KOMUNIDAD. Ang bawat Cristiano o Iglesia na nagsasabing sila’y kabilang sa kaharian ng langit ay tumutugon sa pangangailangan ng komunidad na kanyang kinalalagyan. Ito ay hindi lamang pagtulong sa kapwa tulad ng ginagawa ng DSWD. Ito ay paggawa sa ngalan ng Panginoong Jesus. Siya na rin ang nagsabi, “ako ang inyong tinulungan.” At sa bawat pagtugon sa pangangailangan, naipapadama natin sa mga tao ang kaharian ng langit dito sa lupa. Amen!
Pastor Jhun Lopez
________________________________________
Nakaraang blog: MANAMPALATAYA SA MAGANDANG BALITA
No comments:
Post a Comment