At nagtanong si Jesus, "Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa
ng taong hinarang ng mga tulisan?"
"Ang taong tumulong sa kanya," tugon ng abogado. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus,
"Sige ganoon din ang iyong gawin.". :: Lucas 10:36-37
KAPWA KO, MAHAL KO. Sumikat ang programang ito sa TV sa kanilang pagtulong sa mga kababayan nating salat sa salapi upang maipagamot ang maysakit na mahal sa buhay. Marami ang natutulungan nila na sa likod nito’y ang pagpapadala naman ng tulong ng mga taong may mabuting puso upang ibahagi ang kanilang kayamanan. Maaaari nating masabi na ang mabuting paggawa ay nagliliwanag sa kanila!
HUWAD NA KAPWA. Huwad. Mapagkunwari. Hindi totoo. Maraming tao ang masasabi nating nahuhulog sa maling pag-uugaling ito. Maaaring tumutulong ngunit mapagpaimbabaw. Maaaring nasa posisyon para tumulong subalit hindi ito ginagawa. Sa Biblia, ang Pariseo’y maalam sa Kasulatan at lider ng relihiyon ngunit naging huwad na kapwa para sa Judiong binugbog at ninakawan. Ang Levita, na kalahi ng Judio, ay umiba ng daan at walang ginawang mabuti. Relihiyoso. Kalahi. Ngunit hindi naging tunay na kapwa. Walang liwanag na makikita sa dalawang ito!
TUNAY NA KAPWA. Sino nga ba ang tunay na kapwa? Bakit tinawag na Good Samaritan ang lalaking ito? Sa kasaysayan, ang mga Samaritano ay “kaaway” para sa mga Judio. Sa kabila nito, siya ang tumulong sa taong dapat yata’y ikinatuwa niya ang sinapit nito. Sa halip, makikita ang sinseridad sa kanyang pagtulong. Nilapatan niya ito ng first aid saka dinala sa bahay-panuluyan upang maalagaan. Nag-abot ng pambayad at nangako pang babalik at babayaran pa ang kulang. Siya ang tunay na kapwa…nagliliwanag ang mabuting paggawa!
“Sige ganoon din ang iyong gawin," utos ng Panginoong Jesus!
Pastor Jhun Lopez
__________________________
Nakaraang blog: MGA HAKBANG SA PAGKAKILALA SA KATUWIRAN NG DIYOS
(Click the title)
No comments:
Post a Comment