Search This Blog

Monday, June 25, 2018

BUHAY AY MASAYANG TUNAY

“Magsaya kayo at magalak
sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”
Mateo 5:12


MAGSAYA KAYO AT MAGALAK. Ano nga ba ang mga dahilan ng ating kalungkutan? Marami po! Maraming pagkakataon na ako'y nakasaksi ng magkakasunod na pagpanaw ng mga taong nakapaligid sa akin.  Ang hirap sabihin sa kanilang magsaya kayo at magalak. Dahil natitiyak kong bawat nawalan ng mahal sa buhay, sila ay dumaraang lahat sa matinding kalungkutan sa paglisan ng mahal sa buhay. Subalit mariing itinatagubilin ng Panginoong Jesus sa mga alagad Niya ang maging masaya. Siya ay naparito upang bigyan ng masayang buhay ang mga alagad Niya (Juan 10:10) at malubos ang ating kagalakan. Magsaya at magalak!

GANTIMPALA SA LANGIT. Ang pag-asa natin sa buhay ay hindi lamang nakasalalay sa mga bagay ng mundong ito. Marahil ay hindi natin maiwasan ang kalungkutan lalo na sa mga panahong hindi kagandahanan ang mga nangyayari. Ngunit nalalaman nating ang buhay ay pansamantala lamang. Lilipas ito. Bilang Cristiano, tayo ay nabubuhay para sa walang hanggan. Umaasa tayo sa langit na inihahanda ng Panginoong Jesus para sa mga alagad Niya (cf. Juan 14). At doon sa kalangita’y tatanggapin natin ag masaganang gantimpala. Na ngayon pa lang ay dapat na nating ikasiya at ikagalak.

ANG MGA MAPAPALAD. Blessed = Happy = Mapalad. Siyam (9) na ulit binanggit ng Panginoong Jesus ang salitang ito sa Mateo 5:1-11. Itinuro Niya ang masayang buhay sa piling ng Diyos. May kabalintunaan man ang Kanyang ipinararating lalo na sa sinabi Niyang “Mapalad ang nagdadalamhati... Mapalad ang mga inuusig” (t. 4, 10), ipinakita ng Panginoong Jesus na masaya pa rin ang buhay sa kabila ng mga ito. Dahil ang Diyos ay ating kaakbay. Magsaya! Magalak!

Pastor Jhun Lopez


___________________________
Nakaraang blog: KAHARIAN NG LANGIT SA LUPA


No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...