Search This Blog

Tuesday, June 26, 2018

ITINUTUWID ANG LANDAS

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Kawikaan 3:5-6


MAGTIWALA SA DIYOS. Ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi lang tumutukoy sa paniniwala o pagkakaroon ng isang relihiyong sinasamahan. Ito’y buong puso’t lubusang pagsusuko ng sarili sa Diyos. Mula sa pagtititiwala sa sariling kakayahan, karunungan at katuwiran tungo sa pagtitiwala sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat—kasama ang ating mga buhay.

ALALAHANIN ANG DIYOS. Kilalanin ang Diyos sa lahat ng mga gawain natin. Sa loob ng tahanan, sa paaralan, sa lugar ng trabaho, at sa iba pang lugar na pinununtahan ng ating mga paa. Alalahaning sa lahat ng mga lugar na ito, ang Diyos ay kasama natin. Pinararangalan tayo sa mga mabubuti at matuwid na gawain natin. Itinutuwid ang landas natin sa mga panahong naliligaw tayo. At kung may mga likong gawi tayo sa buhay, ituturo Niya sa atin ang tama at matuwid na daan.

ITINUTUWID ANG LANDAS. “He will make your paths straight.” Papatnubayan ka ng Diyos. Aakbayan ka sa iyong paglalakbay. Kasama mo Siyang lumalakad. Kaya’t tiyak na hindi Niya hahayaang maliko ka nang landas o kung nakaliko ka na, itutuwid ng Diyos ang landas na iyong tinatahak. Ang madilim na kinalalagyan ay Kanyang pagliliwanagin. Aalalay ang Diyos sa iyo tungo sa matagumpay na buhay Cristiano.

Pastor Jhun Lopez


_________________________
Nakaraang blog: BUHAY AY MASAYANG TUNAY


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...