Search This Blog

Tuesday, May 15, 2018

SEND WORKERS, LORD!


Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.” Lucas 10:2

NAPAKARAMI NG AANIHIN. Ang bayang Pilipinas ay isa sa mga kinikilalang Bansang Cristiano. Nakatataas-noo para sa ating lahi. Subalit ang katawagang ito ay kaagad na nabubuhusan ng malamig na tubig! Cristiano sa tawag, ngunit hindi sa nilalaman ng puso. Napakarami pang mga Filipino ang aanihin patungo sa kaharian ng Panginoong Jesus. Marami ang  mananampalataya ni Cristo, pero higit pa ring marami ang kailangang dalhin sa pagliligtas na dulot ng Kanyang krus.
KAKAUNTI ANG MGA MAG-AANI. Ang simbahan ay hindi naitatag para sa samahan ng relihiyon. Matapos na mapabilang sa kalipunan ng mga Cristiano, kasunod nito ang pagtatalaga sa pagiging mang-aani sa ubasan ng Panginoong Jesus. Mga taong hahayo at gagawa ng mga alagad ni Cristo. Nakalulungkot mang isipin, marami sa mga Cristiano ang kaanib lamang ng isang Kongregasyon subalit hindi kabilang sa mga “mang-aani.” Isa ka na ba sa mang-aani?
IDALANGIN NINYO. Magpadala ang Diyos ng mga mang-aani. Una, sa Kongregasyong iyong kinaaaniban. Idalanging dumami pa ang mga lider ng Munting Oikos (small group), mga  kapatirang makakasama sa pagtuturo ng Biblia at sa pangangalaga ng mga kapatiran. Idalanging maging aktibo ang marami sa pagdadala ng mga tao sa pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ikalawa, sa mga paaralang Biblia. Idalanging marami pa ang tumugon sa tawag ng Diyos upang ipaglingkod ang kanilang buong buhay bilang mga Pastor, Diakonesa o Misyonero/a. Isang dakilang pagsunod sa tawag ng Diyos!

Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...