Search This Blog

Wednesday, May 16, 2018

CRISTIANONG PANANALITA: PINAPAGING-BANAL


Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan. Roma 6:13

HUWAG IPAILALIM SA KASALANAN. Mula nang tanggapin at manalig ang isang tao sa Panginoong Jesus, siya ay pinawalang-sala (justified). Ang makasalanang kalagayan ay napasakanya. Pinatawad na at nagtagumpay na sa kamatayan. Sa kabila nito, ang isang mananampalataya ay patuloy sa buhay kasama ang lahat ng nasa daigdig. Ang pagpapaging-banal (sanctification) ay kanyang daraanan patungo sa buhay na ganap. Kaya nga, ang tagubilin ng Banal na Kasulatan, “huwag... ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng... katawan.” Kasama dito ang ating dila.
HUWAG MAGING KASANGKAPAN SA PAGGAWA NG MASAMA. Nalalaman nating ang dila ay nagagamit sa masasamang pananalita. Ngunit higit nating dapat malaman na ang gamit nito ay sa mabubuting pananalita. Makadiyos na pananalita. Kasangkapan sa pagsasabi ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Pinapaging-banal. Ang karumihan ng dila ay nababago. Mahirap kontrolin ang dila. Pero tiyak, kaya nating kontrolin ito. Ang ganap o perpektong pamumuhay ay maaari nating maranasan.  Ang kabanalan ay posible. Kasama ang ating dila!
PASAKOP KAYO SA DIYOS.  Ang pagpapabanal ng dila ay magaganap kung ang isang tao ay magpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos. Ihandog ang katawan—kasama ang dila—upang makagawa at makapagsalita tayo ng kabutihan. Kailangan lamang sanayin ang maliit na bahagi ng katawan na ito. Tamang sabihing ang dila ay may kayabangan, parang apoy at parang lason. Pero higit na tamang sabihing ang dila ay bahagi ng katawang pinapaging-banal ng Diyos. Magsasalita ng mga banal na salita.
Pastor Jhun Lopez

Yesterday's blog (May  15): SEND WORKERS, LORD


Maaari n'yo ring bisitahin ang iba pang mga blogs.
Pagpalain kayo ng Panginoong Jesus.

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...