Search This Blog

Saturday, May 26, 2018

KATUPARAN SA ATING MGA HANGARIN

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran,
at hanggang sa paglaki'y di  niya ito malilimutan.
::Kawikaan 22:6


IGLESIANG NAGSASALITA AT GUMAGAWA. Maliwanag ang hamon sa bawat iglesiang sumasampalataya sa Panginoong Jesus, nagsasalita at gumagawa. Na tayo ay maging aktibo sa pagsasalita laban sa masama at gumawa ng mga mabubuting bagay na magdudulot ng pagbabago sa komunidad na ating ginagalawan. Ang isang kalipunan ng mananampalataya ay hindi magiging tikom ang bibig at pigil ang mga kamay sa pagsusulong ng kabanalan at katuwiran. Ito’y pasisimulan natin sa mga bata. Ang mga nakatatanda ang magsisilbing mabuting huwaran. Ito ang ministeryo ng gawaing tinatawag na Edukayon Cristiana.
ITURO SA BATA. Hindi ipinangangahulugan nito na ang mga matatanda ay exempted na sa pag-aaral ng Biblia. Sa halip, ang diin ay ang pagtuturo sa bata ng isang magulang. Ang mga bata ang tuturuan, ang mga magulang ang magtuturo. Ang Edukasyon Cristiana ay nagsisilbing “magulang espirituwal” natin. Ang Sunday School ay pangunahin sa pagtuturo ng daang dapat lakaran ng mga batang paslit at mga “bata pa sa pananampalataya.” Ang lumalago sa buhay Cristiano ay  nahuhubog sa pagiging gabay ng ibang mananampalataya sa paglagong Cristiano... ang ministeryo ng Lupon sa Edukasyon Cristiana! TURUAN ANG MGA BATA!
PAGLAKI’Y DI NIYA ITO MALILIMUTAN. Ang ministeryo ng Edukasyon Cristiana ay hindi nagtatapos sa mga bata. Ito ay napapatuloy sa buhay ng taong naturuan ng Banal na Salita.  Ang Salita ng Diyos na naituro, pinakinggan at tinanggap ng isang tao ay mananatili sa kanyang puso’t isipan. Maliban na lamang kung ang taong ito ay hindi nagpaturo, hindi nakinig at hindi tinanggap ang katuruan. Ngunit ang tunay na natuto sa Biblia; nananatili, nagpapatuloy at isang araw ay nagtuturo na din sa iba! Natupad ang ating hangarin, tayo’y Iglesiang nagsasalita at gumagawa!

Pastor Jhun Lopez


_____________________________________
Nakaraang blog: ANG PAG-IBIG NG DIYOS


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...