“Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw.”
Paano kung natanggal ka sa trabaho? Paano kung wala ka namang pera? Paano kung nagtambak ang bayarin mo? Paano magiging sapat ang biyaya?
Napakarami nating mga paano sa buhay. Lalo’t ang mga pagsubok at problema ay nagkasabay-sabay. Anong pagpapala ang ating matatanggap kung ang lahat ng mga nagaganap sa ating buhay ay kapahamakan.
Kapag bumabagyo, bumubuhos ang ulan. Malakas na hangin ang sasalubong sa atin. Tingnan natin sa mas maliwanag na bahagi; ang malakas na ulan at hangin ay katumbas ng pagpapalang dumarating. Dala ng pagsubok ang katatagan ng ating pananampalataya. Dala ng problema ang pagkalinga ng mapagmahal na Ama. Dala ng karamdaman ang presensiya ng Dakilang Manggagamot.
Tulad ng karanasan ni Pablo sa panahon ng bagyo, sinabi ng Diyos, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo” (2 Corinto 12:9). May pagpapala sa gitna ng bagyo!
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church
No comments:
Post a Comment