Kapayapaan!!!
Ito ang sigaw ng karamihan lalo na kung ikaw ay nakatira sa lugar na punung-puno ng kaguluhan. Subalit kahit anong gawin natin, ang mundong ating ginagalawan ay patuloy sa kaguluhan. Walang taong makapagsasabing malaya na siya sa mga problema. Sa halip, ang mga suliranin ng buhay, tulad ng isang bagyo, ay tiyak na darating at darating.
Paano nga ba tayo magkakaroon ng kapayapaan sa gitna ng mga bagyo ng buhay?
Alalahanin nating lagi ang kapayapaang ibinibigay ng Panginoong Jesus. Ito’y hindi katulad ng kapayapaang dulot ng mundo. Ang kapayapaang handog Niya sa atin ay pang-walanghanggan, hindi pansamantala.
Umasa tayo bilang mga alagad ni Jesus na sa gitna ng bagyo; hirap, sakit, problema, atbp., tayo ay may Panginoong lagi nating kasama. Hindi Niya tayo iiwan. Hindi pababayaan. Tiyak ang kapayapaan!
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church
No comments:
Post a Comment