“Let your light shine before men…”
Madaling maging Cristiano, subalit hindi madali ang magpaka-Cristiano! Ito ang madalas nating marinig sa mga mananampalatayang tila nahihirapang ipamuhay ang matagumpay na pamumuhay-Cristiano. Mahirap nga naman!!!
Ano ang gagawin mo??? …kung inaaway ka ng kapitbahay mo? …kung may karamdaman ka ngayon? …kung ang takalan sa bigasan ay tumutuktok na? …kung ang mga problema’y nagtambak sa’yo gayong ang mga kakilala mong hindi Cristiano ay nananagana’t tila walang problema? Magliliwanag pa kaya ang iyong ilaw?
Maraming tauhan sa Banal na Kasulatan ang huwaran sa mabuting pamumuhay sa gitna ng masamang panahon. Nagliliwanag ang buhay habang tumatalukbong ang dilim ng unos at humahagupit ang lakas nito. Mga buhay na matagumpay…nagliliwanag sa gitna ng bagyo!
Isa si Esteban sa mga huwaran. Matapos niyang ipangaral ang Mabuting Balita, siya ay kinaladkad palabas at pinagbabato hanggang sa kamatayan. Kapansin-pansing, habang siya ay binabato, winika niya, “Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito” (Gawa 7:60). Napakagandang liwanag!
*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church
No comments:
Post a Comment