Search This Blog

Wednesday, June 14, 2017

Sa gitna ng bagyo... MAY KAGALAKAN!


Hahahaha!!! Hihihihihi!!! Hehehehe!!!

Masaya ang buhay! Subalit paano kung ang kasalukuyang kalagayan ay tila mabigat at masakit na karanasan? Magsasaya ka pa rin ba? Tatawa ka pa kaya?

Ang bagyo ay darating kahit anong pigil natin. Katulad ng mga problemang pilit na sumisiksik sa takbo ng ating mga buhay. Pagkatapos ng isa, parating naman ang isa pa. At may pagkakataong nagkakasabay pa!

Sabi nga ni Freddie Aguilar, “Tawanan mo ang iyong problema.” Ngunit paano kung ang dilim ng paligid ang sumasakop sa dapat ay magandang umaga para sa atin?

Ang halimbawa ni Pablo ay hihimok sa ating “magalak lagi” kahit sa panahon ng ‘bagyo’. Nagalak siya sa loob ng kulungan. Nagalak siya kahit nalalaman niyang malapit na ang kanyang pagpanaw. Madilim ang paligid subalit nagawa niyang magalak! (cf. Gawa 16:19-40; Filipos 4:4)

Anong bagyo ang nararanasan mo ngayon??? Inuulit ko, sa gitna ng bagyo, may kagalakan tayo!







*Ang blog post na ito ay hango sa Pastoral Letter ni Rev. Oscar P. Lopez Jr. sa Sangandaan IEMELIF Church

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...