Search This Blog

Tuesday, July 22, 2014

TINAWAG SA PAGLILINGKOD

Si Yahweh ay lumapit kay Samuel
at muli itong tinawag,"Samuel, Samuel!"
Sumagot si Samuel, "Magsalita po kayo,
nakikinig ang inyong lingkod."
1 Samuel 3:10

ANG DIYOS AY TUMATAWAG. Ang maging Cristiano ay nagsisimula sa tawag ng Diyos. Ipinadadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa isang tao. Ipinauunawa ang ginawa ng Panginoong Jesus sa krus at ang Kanyang pagkabuhay na muli. At ipinakikita ang pangangailangan ng pagtugon sa pagtawag na ito ng Diyos. Kaya nga, ang bawat isa sa atin ay nararapat makatiyak na siya nga ay tinawag ng Diyos.

MAGSALITA PO KAYO. Ang Biblia ang Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahahayag ng Banal na Kasulatan. Magsasalita Siya tuwing babasahin natin ito. Gayundin, ang Diyos ay nangungusap sa puso ng tao sa lahat ng mga pagkakataon sa kanyang buhay. Hindi ng mga bagong pananalita kundi mga salitang nagpapaalaala ng mga katotohanan ng Biblia. Sabihin lamang natin ang tugon, "Magsalita po kayo."

NAKIKINIG ANG INYONG LINGKOD. Sa kabataan ni Samuel, siya ay tinawag ng Diyos upang gampanan ang tungkulin ng isang Propeta. Ipinahayag niya ang pakikinig bilang lingkod ng Diyos. Isa lamang ang pagiging Cristiano sa mga tawag ng Diyos sa atin. Tinatawag rin Niya tayo sa isang gawain ng paglilingkod. Nais Niyang maging instrumento ang bawat isa sa atin sa isang tungkulin. Kailangan lang ay ang iyong pagtugon, “Nakikinig po ako.”

Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...