Search This Blog

Wednesday, July 23, 2014

PAGSUNOD SA MAGULANG

Sinabi ng anghel, "Huwag mong patayin ang bata.
Huwag mo siyang saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak."
Genesis 22:12

HANDA KANG SUMUNOD. Natiyak ng Diyos ang kahandaan ni Abraham sa pagsunod. Ito ang magandang halimbawa ng isang ama sa kanyang anak na si Isaac. Ang isang bata ay nagiging masunurin, una sa lahat, dahil sa nakikita niyang pagsunod ng sariling magulang. Ang mga kilos, pananalita, gawi, at pananampalataya ay nakokopya ng mga anak. Sabi nga “Like father, like son.

HINDI MO IPINAGKAIT. Ang pagsunod ay isang pagkilos na walang pagkakait. Walang reklamo. Handang magsakripisyo. Si Isaac ay sumunod sa amang si Abraham mula sa pagbubuhat ng panggatong hanggang sa siya ay ihiga na upang ihandog. Ang pagsunod ay pagpaparaya ng sarili alang-alang sa pagtupad sa utos o ipinagagawa ng kinikilala nating nakatataas—lalo na sa Diyos.

KAISA-ISA MONG ANAK. Kaisa-isa. Tanging anak. Wala nang iba. Ang utos kay Abraham, “ihandog mo siya sa akin.” Ang pananampalataya ay sinusubok ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Ang modelo ng magulang ang siyang nagdadala sa isang anak sa kanyang pagsunod sa sariling magulang. Madaling sabihin, “Anak, sundin mo ako, magulang mo ako” kung nakikita niya mismo sa magulang ang pagkilos at pananalalita ng pagsunod.

Pastor Jhun Lopez


No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...