Search This Blog

Wednesday, July 23, 2014

KAPAG MAY PABORITONG ANAK

Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak,
sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang.
Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.
Genesis 37:3

MAS MAHAL KAYSA IBANG ANAK. Si Jacob ay may paboritong anak. Higit ang pagtingin niya kay Jose. Ang pagmamahal na ito ay hindi maaaring kwestyunin dahil karapatan ng ama kung kanino niya ibibigay ang higit na pagtingin. Hindi rin naman tama na maghanap ng patas na pagtingin ang mga anak kung hindi rin naman patas ang ipinakikitang paggalang o pagsunod sa magulang. Pagtuunan natin ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Kung ikaw ay ama, gaano mo kamahal ang iyong mga anak? Ikaw na anak, paano mo sinusuklian ang pagmamahal ng iyong ama?

SAPAGKAT MATANDA NA SIYA. Marahil ito’y basehan din ng maraming magulang kung bakit ang bunso ay kadalasang paborito. Lalo na kapag ang bunsong anak ay ipinanganak sa panahong nasa edad na ang mga magulang. Sa aking nakita, ang iba pang nagiging basehan sa pagpapaborito ay ang kabaitan o kaya'y katalinuhan ng anak. Sa anumang basehan, may nagiging paborito. Paborito ka man o hindi? Ano ang nagiging reaksyon mo sa pagpapakita ng paboritismo nina Tatay at Nanay?

IGINAWA NG DAMIT. Aaminin ko, mahirap gawin ang patas na pagtingin. Kailangan natin ang tulong ng Diyos sa bagay na ito. Maraming negatibong resulta kay Jose ang pagiging paborito nya. Subalit dapat din nating makita na ang pagpapaborito sa kanya ni Jacob ay bahagi ng plano ng Diyos upang ihanda si Jose mula sa ilalim ng balon patungo sa tuktok ng palasyo. May paborito ka ba? Tiyaking nasa tamang pagpapakita ng higit na pagmamahal sa paningin ng iyong mga anak. Paborito ka ba? Sikaping hindi ito maging dahilan upang kainggitan ka o kaya'y kamuhian ng iyong mga kapatid.


Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...